Wednesday, November 27, 2013




ANO ANG LINDOL?

Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa.
tl.wikipedia.org/wiki/Lindol

BAKIT MAY LINDOL?

Kung ang Biblia po ang ating sasangguniin, Kaya may lindol upang magpaalaala sa mga tao na may Dios na Makapangyarihan sa lahat at walang makagagawa nito kundi Siya lamang. Alam naman natin kapag lumilindol ay nakakaramdam tayo ng takot at kung minsan ay may namamatay na tao kung ito ay napakalakas na lindol, kasi ang sabi ng Dios, Siya ang pumapatay gaya ng nakasulat sa DEUTERONOMIO 32:39 "Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay."

Kaya may lindol,
 ito ay senyales na ang Dios ay galit o pagkagalit ng Dios gaya ng nakasulat sa JOB 9:5-6 "Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit. Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig."

Ganon din ang Tsunami at mga malalakas na bagyo - ito ay galit ng Dios gaya ng mababasa sa AMOS 9:6 "Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit, at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa; siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa; Panginoon ang kaniyang pangalan." at sa JEREMIAS 25:32 " Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, kasamaan ay mangyayari sa bansa at bansa, at malakas na bagyo ay ibabangon mula sa kahulihulihang bahagi ng lupa."

Kaya nagagalit ang Dios sa mga tao
 dahil sa pagsamba nila ng mga diosdiosan na ginawa ng mga kamay ng mga tao gaya ng nakasulat sa AWIT 115:4-8 "Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao. Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita; Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy; Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala. Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
At sa ROMA 1:25 "Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.tl.answers.com › ... › Agham › Likas na Yaman




www.youtube.com

7 comments: